Ina

Bayang magiliw, hindi nga?
‘sing-giliw ng himig ng ibang bansa?
Lumaki sa bakuran ng bayang sinilangan.
Hindi nagtagal, nilisan ang Perlas ng Silanganan.

Japan, Korea, Abu Dhabi, Amerika.
Pili na, pili na, saan ka pupunta?
Gucci, Ferragamo, Ralph Lauren na polo.
Serbisyo sa bayan? Sinong niloko mo? Ipokrito!

May mahirap, may mayaman,
May busog, may walang laman ang tiyan.
Kung tutuusin, isa lang naman ang dahilan.
Noong ang tao’y isinilang, may minanang kasakiman.

Pero dapat bang sisihin ang kasakiman?
Kung ito ang nagtulak sa ating kaunlaran?
Sigurado ako na marami sa atin
ay pinalaki ng magulang na iisa ang mithiin.

Panong uunlad, pinakamamahal na bayan?
Kung hindi magpang-abot, mahirap at mayaman?
Karamihan sa nakarating sa tuktok ng hagdan,
Hindi na lumingon, tumulong sa naiwan.

Oras na dolyar na ang laman ng bulsa,
Alab ng puso, unti-unting napupuksa.
Sa manlulupig ‘di ka pasisiil?
Hindi nagtagal, sa banyaga nagpalupil.

Kabataan ang pag-asa ng bayan kamo,
Paano kung ang mamamayan, wala nang pag-asa mismo?
Ayaw kong isipin na ganito ang sitwasyon,
BANGON KABATAAN! ANG BAGONG HENERASYON!

Bumigwas sa mga kadena, na sa ati’y kumundisyon.
Buksan ang isipan, lawakan ang imahinasyon.
Huwag matakot sumugod sa kadiliman.
Ako’y naniniwala, may liwanag sa kaibuturan.

Advertisements

~ by Drei Lim on September 23, 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: